Uber busy at pagod

Pasensya na at hindi ako nakakapag update ng blog ko. super busy lang po talaga sa new company. biruin mo ba naman 12 hours ang work dito at 2 hours lang ang break. kaya anung oras na ako nakakauwi sa amin. mga past 10 pm na. sa simula talagang hirap na hirap talaga ako magpa-level ng character ko (it's a gaming company po, and world of warcraft po ang nilalaro) kasi next week alam ko may grade na ang gagawin namin. sa simula si Cy lang talaga ang kakilala ko. then eventually marami na rin akong nakilala, yung iba sa ibang online games din. super po sa init ang room kasi ba naman ilang PC ang nakalagay doon. kaya ang singaw ng init ang tindi. pawis na pawis kami. buti na lang at naisipan nilang ilipat ang iba sa kabilang room (kung hindi pa matotodas ang isang PC, hindi pa nila naisip iyon!) at isa ako sa mga kasama doon. salamat naman at malamig ang place at maraming chickas haha! kaya lang behave dapat kasi kundi babalik na naman kami sa infernal room na iyon, thursday at friday ang off ko kaya andito ako ngayon at online. bukas may christmas party pa kami sa former company ko at take note wala nang hiyaan sasali ako sa sayaw. haha. tapos next week eh party naman sa current company ko. aba tingnan mo nga naman. ilang beses ako makakakain ng libre. nyahaha. sana lang makabili ako ng regalo sa monita ko, wala na kasi akong time makabili this week since start na ako ng work. hanggang dito na lang at kukuha pa ng mga kelangang requirements ko. bow!

4 Reaction(s) :: Uber busy at pagod

  1. tito, give yourself some time to rest. life without rest is too much. it's bad for your health. :)

  2. pahinga na muna..iyon ang kailangan mo...and much better give urself a gift after all those busy scheds you have...db?

  3. pahinga nman dyan!!at maligayang pasko sa iyo!! pa-change nlamang ng link!!

    ^_^

  4. WAHEHE!