The "Bantay" Routine

Tuwing umaga since maaga akong nagigising eh naging "bantay" na ako sa tindahan namin. Mga tulog mantika iba kasi sa bahay kahit maagang natutulog eh tanghali na nagigising. Ewan ko ba ako minsan ala-una na ako nakakatulog tapos maaga pa akong nagigising. Ayun ginagawa ko lang eh upo sa harap ng tindahan tingnan ang owner type jeep namin pati na rin ang mga maagang naglalaro ng basketball, nasa harap lang kasi namin ang court; pero hindi naman ako naglalaro eh hanggang video games lang ako. hehe!

Nakakainip talaga pag wala kang work feeling me eh worthless ka at pabigat lang sa bahay, alam mo na yung tipong hindi ka nakakatulong, hindi ka nakakalabas ng haus minsan, wala namang magawa sa bahay kundi manood na lang minsan. Sana nga eh may tumawag ulit this week, first time kong mag aaply sa call center kaya naman eh nag research na ako sa mga common interview questions para naman mapaghandaan ko na. Kagabi nga eh sinusulat ko yung mga sagot then bibigkasin ko naman after. Ewan ko ayoko talaga sa ganung work pero wala naman akong magagawa no choice eh. Good luck na lang sa akin.

3 Reaction(s) :: The "Bantay" Routine

  1. I knwo te feeling of "pabigat" ek ek hehehe. Eh bakit ayaw mo naman work sa call center? AKo almost 5 years na sa ganitong work. Paibaiba ng company. Kaya mo din yan:)

  2. try mo din.. ako sabi ko ayoko din sa call center pero nag try din ako.. dun ko nalaman na ayaw ko pala talaga. hahaha!

  3. waaaa..salamat sa mga nag koment po. ewan ko dark knight hindi kasi ako fluent sa english eh. lol ka ymir. ayaw ko rin. kaya ayaw ko i-try