Inutil na Civil Service Exam

Kaka-badtrip lang talaga kanina, hindi ko alam anu iisipin ko ngayon at nasayang na naman ang oras, pagod at pamasahe ko sa b******* na Civil Service na yan.. Kanina maaga akong nakarating sa area (around 6.55am) nagpalista na agad ko sa guard at sa lobby ng Mamamayan Muna Center.. pang 15th ako sa mga nag chance.. dapat pala eh inagahan ko ang pagpunta iniisip ko kasi kanina baka hindi na ako umabot kasi ang daming nga na nag chance exam.. then at 8am eh pinapunta na ang lahat sa examination area for Computer Assisted Test.. up to 44 ang nasa list pero halos kalahati ay absent.. binanggit na ang mga pangalan ng magkakaroon ng pagkakataon mag exam.. nakahinga lang ako ng maluwag nang mabanggit ako at pinakahuli pa.. ang iba pinabalik na lang.. pagpasok sa loob pinapali na kami ng mauupan at mag antay for the processing of examinee data.. nag antay kami up to 10am nakatanga lang.. habang sila ay nagaaway away kasi sobra na ata ang mag eexam dahil sa mga "defective" na pc na sa araw araw na ginawa ng Diyos eh hindi nila pinapaayos na dapat sana ay 45 pc ang available eh nabawasan pa ata.. kaya ayun kinausap kaming nasa last 2 na sa "next Tuesday" na lang daw mag exam at agahan. Laking kahihiyan talaga itong nangyari sa akin lahat nagtinginan sa akin.. ako umaasa talaga ako na mapapasama sa list kasi mas maaga ako sa mga nagpalista.. tapos tatangalin ako.. hindi rin sila "consistent" sa policy nila na kapag "late" eh hindi na pwede mag exam kaso iyong dalawang huling regular examinee na dumating eh pinag exam pa rin.. "galing talaga!" napapasambit ko na lang nang paalis na ako sa CSC at pauwi na sa amin.. bulok at inutil talaga ang gobyernong itong.. walang sistema.. tama lang na batuhin ng kamatis ang ga**** ito at alisin na sa pwesto.. baka naman sa Tuesdau eh hindi na ako makapag exam niyan.. pag ako naasar kakasuhan ko na sila sa Ombudsman talaga pag inubos nila ang pasensya ko.. mga ga** sila..

update: hindi po ako violent person.. just want to express my frustrations here.. parang outlet.. im Ok right now.. medyo nahimasmasan na.. ill gonna prove them that im really eligible for public service after the exam..

3 Reaction(s) :: Inutil na Civil Service Exam

  1. halu! napadaan lang ako...

    i agree with you. bad trip talaga kumuha ng CSE kasi mabagal yung processing (especially sa application). buti nga ikaw computer-assisted yung par-take mong exam, mas mabilis. grr!

  2. This part took my attention "pagpasok sa loob pinapali na kami ng mauupan at mag antay for the processing of examinee data"

    pinapali? hehe.. you know me masyado mabilis imagination..

    anyway, regarding the exam.. yeah badtrip talaga. kelan kaya magbabago systema ng gobyerno natin.

  3. @cy lol. ang sipag mo mag comment ah. pinapila ata yan.