Dim

Yesterday was an unfruitful day again (and maybe forever) for Jinjiruks again (hindi na naman ako nakapasa sa job na nag-apply ako take note.. lahat kaming nag apply.. kakagulat talaga!).. Lord anu ba talaga ang plano mo sa akin.. kailangan bang magpari ako para matapos na itong mga problema na ito.. Bakit hanggang ngayon eh pinapahirapan mo pa rin ako.. Hindi naman ako rapist, mamatay-tao o drug pusher.. When will i ever see the light again? For all the months i've been in this dark tunnel not knowing where to go.. Sana naman pagkatapos ng ulan ay may rainbow na akong makikita sa buhay kong ito.. Sana nga makita ko na ang hinahanap ko pag nakapag-abroad na ako.. Napapagod na rin kasi ako.. baka bumigay na lang ako bigla..

C1 & C2, Kumusta na kayo? Matagal-tagal ring hindi tayo nakakapagusap kahit man lang sa text, alam ko naman masyado kayong busy right now. Sana man lang wag nyo akong kalimutan. V, Ilang weeks ka nang hindi nagpaparamdam sa akin maski sa text anu na kaya ang nangyari sa iyo? Miss ko na yung mga text mo sa akin. L, kung alam mo lang na ikaw ang tinutukoy ko ngayon baka magkailangan lang tayo kaya mabuti na at hindi mo alam na ikaw ito.. pasaway ka kasi.. puro ka pahaging sa akin.. pag tinanong kita ng diretsahan makasagot ka kaya?

Condolence nga pala kay Theresa (college classmate), kahapon namatay ang Dad niya! Antayin mo kami sa inyong haus bukas ng hapon, na text ko na rin sila kung saan magkikita muna para isang lakaran na lang. Sana nga sumabay na lang ako at namatay na rin ako, para wala nang problema.. Nahihirapan na talaga ako.. gusto ko man i burst out itong nararandaman ko hindi pwede for some circumstances.. baka mamaya mag explode na lang ako.. buti andyan sina Daniel at Roger na handang makinig sa akin. Hirap pa akong magtiwala sa iba dahil natatakot pa ako sa maaring consequences once na magsalita ako.. Kaya siguro hanggang dito na lang muna ako for now..

0 Reaction(s) :: Dim