To Jin

Jin,

Kung pwede lang kitang batukan ngayon matagal ko na sanang ginawa ito sa iyo. Tigilan mo na iyang pagpapantasya mo araw-araw na magiging kayo ng crush mo! Asa ka pa! Alam mo naman ang sitwasyon niyong dalawa at kasing layo ng Pluto sa Earth ang chance na maging kayo. Ikaw na rin ang nagsabi.. "Bakit mo iisipin ang mga taong hindi ka naman iniisip.." Sinasayang mo lang ang panahon mo sa kanila. Gumising ka na sa katotohanan at ibaling mo na lang sa ibang bagay yang kalokohan mong iyan. Malaki ka na! Alam mo na kung ano ang tama at mali para sa iyo. Naaawa lang ako sa iyo kasi masyado kang pahikan at mapili. Sige ka ilang taon na lang eh mawawala na edad mo sa kalendaryo. Hayz! Bahala ka na nga kung anung gusto mo basta kung saan ka maligaya at panatag doon na lang ako.

Marshall

6 Reaction(s) :: To Jin

  1. Eversince nakilala kita, I never heard anything about your love interest.. since high school till college till graduate and ngayon malalaki na tayo(pero di masyado lumaki) e ngayon ko lang narinig ang ganyang bagay tungkol sayo? totoo ba yan!? hehe

  2. hahahaha uy may love interes na siya hehehehe

  3. Hindi masamang mangarap! Hehe!

  4. @cy amp ka talaga. kala ko inactive kna sa blog kaya may chance na akong magsusulat. grr!

    @luisa
    ngee.. kung alam mo lang prinsesa.. magugulat ka

    @jigs
    ayoko nang mangarap totohanin na ito.

  5. excellent post mate

  6. @scott ryan
    spammer amp!