Undecided

Ang dami kong iniisip ngayon, nag-iisip talaga ako kung sasagutin ko na ba itong nagpaparamdam sa akin. Mabait siya, maaalahanin at malambing pero ewan ko, sa ngayon ayoko pa talaga ng responsibility talaga ngauon at hindi pa sigurado kung mahal ko ba siya o nagpapadala lang ako sa aking emosyon. Minsan lang kasi dumating ang ganitong pagkakataon, ewan ko talaga! Bakit ba kailangan kong danasin ang ganito.. I'm having doubts even on myself right now! Kailangan ko talaga ng advice ngayon. Ayoko siyang mawala pero hindi pa ako sa handa sa responsiblity. Hayaan ko na lang siguro ma-develop kung pupunta ba sa pagmamahal ito o pipigilan ko na agad bago pa makarating sa ganung antas..

Kahapon walang tigil ang ulan talaga sa Ortigas nakakasar nabasa na naman ako kasi mahirap sumakay talaga pag ganung kalakasan ng ulan, maarte ako ayoko ng aircon mas OK sa akin ung ordinary lang.. kaya ayun nilakad ko papuntang Megamall mula sa Galleria.. at patakbo-takbo talaga hanggang mabasa ung clear folder at polo ko.. buti na lang eh hindi aklo nilagnat that time pero paguwi mo naman eh brownout (mula 9am pa raw iyon!) ayun buti na lang at by 8pm eh nagkailaw na.. basang basa pa naman ako that time nung nagkailaw eh nagpahinga na ako.. nakakaasar lang at hindi ko napanood ang ALIAS sa ch.23 napasarap ang tulog dahil sa pagod. Ayun bukas may mission na naman ako.. hanggang sa muli!

5 Reaction(s) :: Undecided

  1. if in doubt, dont.

    ang prutas kahit gaano kasarap,
    kung hinog sa pilit ay maasim.

    gudlak sa bagong misyon!

  2. sagutin mo nah...bakit ang bf ko napilitan lang sa akin pro ngayon 3 years na kami

  3. @ymir
    may point ka sa sinabi mo.. iyon na nga iniisip ko..

    @luisa
    kung alam mo lang princess luisa kung anu ibig kong sabihin.. may ym tayo minsan para malaman nyo po then i'll let you decide if you were me..

  4. YoU'Ve aLrEaDy MaDe YouR DecIsioN... KaSi dBaH??!! aYaW Mo nG CommiTmnTs??!! hehehe TaMa Ba uNg NaBaSa kO?!!

    Don'T rUsh! JusT TaKe iT Easy =)

  5. honga eh salamat pearl sa advice. saka na siguro yang mga lab lab thing na yan.