Unfamiliar

Hindi na ako nakapag-update sa blog ko last Friday paano kasi nagpunta pa ako sa Libis at sa Riverbanks, sa totoo lang hindi ko pa kabisado yung lugar kasi bandang QC na route ako sanay at minsan lang talaga na ako dumaan, as usual perennial traffic at ang init ng panahon. Hindi ako nakapasa sa Libis kaya mga bandang hapon sa Riverbanks naman, ayun kahit papano nakapasa naman at inabot na ng gabi at pinabalik na lang ako sa ibang araw para sa Final interview at Job offer. Mahirap pala makasakay sa part na iyun kapaag rush hour talaga, napilitan tuloy akong mag-double trip sa Markina-San Mateo-Montalban, mga past 7pm na ako nakauwi, nakatulog na nga ako nang maaga sa pagod siguro. Wala pa ring tawag mula sa 1 vs 100 na show, hindi ko alam kung tatawag pa ba sila, mahirap na kasi baka sumabay naman siya sa training ko, pag nagkataon - kailangang mag-sacrifice talaga. Sana hindi umabot sa puntong iyon.

0 Reaction(s) :: Unfamiliar