Agency

Kahapon naka-sked ang interview ko sa isang employer sa Kuwait sa isang agency.. 20 slots lang ang kailangan nila medyo na late ako nang kaunti kasi uber sa traffic talaga kahit pa 6am na ako umalis sa amin tapos tinaga pa ako ng pedicab driver na yan.. kung alam ko lang na malapit lang at pwedeng lakarin yung place na iyon hindi na ako nagpahatid.. suwapang masyado.. babalik rin sa kanya karma nya..


Ayun pagdating sa agency eh nagantay nang kaunti usap-usap with fellow applicants merong isa sinabi sa akin mga process from interview to job offer tapos mga experience nila, yung gastos, yung sweldo, yung culture ng mga Arabo etc.. ang bilis ng interview wala pang 1 minute nga eh.. hindi pa nga ako nag-iinit sa upuan.. natanong lang kung magkanong salary gusto ko at multi-task pang job sinasabi nag-oo na lang ako kahit medyo labag sa loob ko tutal matagal pa naman at makakahanap pa ako ng ok na job sa ibang agency.


Then nakilala ko sa labas si Wilmort yung kasabayan ko.. lugi daw kami dun at kawawa lang kaya hindi niya tanggap yung offer, sinamahal nya ako sa iba't ibang agency pa para maghanap ng jobs.. nag level-up ang mind ko sa pagpunta sa mga places na nde ko pa nadadaanan.. sa Leon Guinto, Pedro Gil.. (hindi kasi ako gala talaga! sensya na!) nagpasa lang ng mga documents tapos tatawagan na lang.. kursunada ko iyong isang job sa may Al-Khobar kasi may makakasama ako just in case palarin na makapasa sa final interview.. Good luck na lang sa akin!

0 Reaction(s) :: Agency