Sked

Natapos na naman ang holiday at back to work na naman.. basta ako talaga kung anu lang ang magagawa ko eh iyon lang talaga, they demand more but paid less.. hindi ko alam kung magkano kickback talaga nila mula sa client pero wala ako pakialam dun wala naman akong magagawa.. last Nov.2 eh pumasok na rin ako kasi nung 1 lang naman ang absent ko.. puro meeting and akala ko eh hindi pa magbabago ang sked then pagdating ng hapon eh nag meeting about sa pag login at logout kasi may bagong system ulit mna introduced para kaw mismo ang mag manual check ng pinasok mo at salary then change of schedule sa ngayon eh regular 8am-5pm, naging 5am-2pm pa hirap na nga ako magising eh ng 5am anu pa kaya pag mga 3am ang lamig pa ng panahon, monthly naman ang change kaya ok lang pero swerte ng pang gabi kasi bukod sa night differential eh may meal/transpo allowance pa sila.. pero ok lang iyon.. may 1hr naman kami.. hehe.. at naghahanap pa rin ako ng work ngayon na mas mataas.. possible for abroad then marami naman nagbabalita sa akin sa mga job openings..

Since ang batch namin eh magkakahiwalay na.. *sniff* nag plano kami na paguwi eh sabay sabay kumain sa may dampa malapit sa work.. parang despedida.. for almost 2 months eh magkakasama kami tapos ngayon eh magkakahiwalay na kami at sa xmas reunion na lang siguro magkikita-kita.. nakaka-miss ang tawanan at pagsabay sa pagkain.. kasi ibang tao na ang makakasabay mo at kailangang ma adapt for change.. after kumain eh nag videoke muna kami.. then around 8pm eh umuwi na ako.. ganun talaga life.. hindi lagi kayo ang magkakasama!

0 Reaction(s) :: Sked