asar talaga

Medyo matagal tagal rin na hindi ako nakapag update dito sa blog ko. Pasensya na po talaga at lalo pang naging busy at ipit ang schedule ko ngayon kaya kahit pag Internet eh hindi ko na minsan naatupag.

Last Sunday, ayun since wala akong natatanggap na text messages sa mga former officemates ko about sa reunion eh napag desisyunan kong pumunta na lang sa haus ng best friend ko sa may North Fairview, mga tanghali na rin iyon. Ayun sinundo nya ako at andun na ang mga kumag kong mga ka-berks (since High School mga PS boys), naglalaro lang ng Yu-Gi-Oh cards, wala talaga akong kahilig hilig sa mga ganyan. Kumain muna ako ng tanghalian, desert then naglaro na sa PC.. ok pala yung Sword of Mana. Then mga 4pm na eh lumabas na kami para pumunta sa SM North (biruin mo hindi pa pala sila nakakapunta run), ayun stroll lang bili ng makakain, tingin sa Comic Alley ng mga bago. Umuwi na rin kami mga 7pm na. Balak namin within Feb or March eh makapaglaro ng Paintball dyan sa La Mesa EcoPark.. bubuo kami ng 5 or 6 teams each.

Habang andun pa sa haus ng fren ko eh saka naman nag text ang mga loko na tuloy raw yung reunion ng ka officemate ko, wala lang medyo nainis ako kasi, bakit ba ako sinisisi nila na hindi ako makakapunta, samantalang sila naman ang walang paramdam man lang kung matutuloy ba siya o hindi. Siyempre unfair naman iyon sa akin kasi hindi naman ako ang organizer ng reunion, parang coordinator lang ako tapos ako pa ang masisisi kung bakit hindi punta. So next time eh bahala na lang ang kaso tutal ako rin naman ang mabubuntunan ng sisi pag hindi naging Ok wag na lang. Aantayin ko na lang na sila ang magyaya para ako naman ang manisi sa kanila. Kaya naman nila mag organize kahit wala ako.

Isa pang nakakainis eh yung sked ko ngayon 12nn-9pm, napaka alanganin.. sobrang init na nga eh tapos pag mga hapon na wala nang live na load at training na lang eh parang patay ang oras. Iniisip ko parang ang bagal ng oras at iyon break naman eh napaka bilis naman. Sana next week.. sana lang eh bumalik na ako sa umaga. Amp na buhay talaga!!

0 Reaction(s) :: asar talaga