Monday wrap-up

Kakauwi ko lang mula Makati sa pagaaply ulit, eto puro pasa at fill-up lang ng mga forms tapos either within or next week sila tatawag for exam and interview. Yung mga agency naman abroad so far wala pa ring update sa akin pero everytime na nakakapag net ako eh naghahanap ulit ako ng bagong job order.

Wala pang text sa akin baby ko. Baka up to now tampo pa rin siya ngayon. Sa ngayon eh mga nagte-text lang sa akin mga ka officemate at friends ko about sa pag-apply ko. Cross my fingers na lang at sana eh makapasa sa exam at interview nila. I'm not expecting na makakapasa ako pero gagawin ko naman ang lahat para ma-hire nila.

Bukas work na naman as usual. Hindi ko alam kung makikipag palit ba ako sa 4am-1pm sked o maintain ko itong 7am-4pm sked. Parang alanganin kasi ang 2 sked na ito kaya naasar ako. Gusto ko sana itong 4am para makahabol ako pag may exam at interview pero maaga naman ako dapat magising na mga 2am which is sakit ng ulo talaga. Itong current sked naman alanganin talaga at kelangan mag half day just in case na may tumawag na company sa akin. Hay buhay. Wala ka talagang choice sa mundong ito.

0 Reaction(s) :: Monday wrap-up