Deyli Tots

Wala na namang nangyaring bago, parang nasayang lang ang araw ko sa walang kwentang brownout na iyan na buong araw ako pinerwesiyo. Tapos bukas work ulit and worst yung live quota na ang gagawin namin, marami kasing halimaw sa grupo na hindi na nila naisip yung ibang hindi nakaka-kota kagaya nila, good luck na lang kung mababago pa ang quota namin dahil sabi-sabi eh pag may naka-reach ng ganung percentage eh mahirap na ibaba pa iyon. Sino ngayon ang nagsu-suffer pag walang loans kami rin at napipilitang mag halfday dahil wala nang mga loan na nagagawa. Ewan ko ba sa kanila. Sana nga malipat na ako sa ibang account dun sa mga "nag-iisip" talaga at hindi puro yabang lang.

Bahala na siguro sila sa buhay nila basta ako gagawin ko na lang ang makakaya ko at ibibigay ang aking 120% palagi para hindi naman nakakahiya sa aking bisor, buti nga at bagong function pa lang kami kung hindi eh goodbye na ako ngayon sa work. Wala pa ring lovelife, pero hindi naman ako naghahanap, malay mo dba andyan lang sa tabi-tabi o nagkataon lang na magkita kami sa MRT dumating siya at na-inlove ako.. haha! asa pa talaga ako sa buhay na ito. Ah basta bahala na si Batman kung anung mangyayari sa buhay ko.

2 Reaction(s) :: Deyli Tots

  1. ayos lang yan.easy lang pare! :)
    x-links?

  2. ok. link po kita mamaya! salamat sa pagdaan.