Lipatan

Kung may rigodon na nangyayari sa gabinete ni Gloria eh meron din sa aming team and actually sa buong department na rin, siguro para lalo pang makilala nang iba ang hindi nakakausap or para mabasawan ang kaingayan.. hehe! pero sa nilipatang kong pwesto eh Ok lang naman ako, malapit sa bisor namin at malayo sa camera kaya alam mo na, nakakapag browse pa ako minsan sa Wikipedia or any Business news on the net.

Kanina nga lang eh napaguusapan ang monthly quota na masyadong mataas na mukhang hindi na talaga kami makakapag incentive kaya sa nangyaring mga skip level meeting eh naramdaman ni Boss na there is really a need to adjust the current quota right, naiiyak na lang ako sa hirap abutin at mga 3/4 lang talaga ang naabot ngayon, pero kung aadjust iyon sa tamang level lang eh marami talaga ang matutuwa, iyon nga lang kelangan ng cooperation ng mga halimaw sa grupo, sana naman makaramdam naman sila na nahihirapan rin kami.

0 Reaction(s) :: Lipatan