Magulo

Ang hirap talagang maging single, ilang buwan na rin na wala akong ka relation.. Hindi naman ako naghahanap pero minsan nalulungkot na lang ako pag minsan sa paguwi eh may nakakasabay ako sa paguwi na mga magkasintahan na hawak kamay at puro PDA. Pero Ok lang happy naman ako at hindi masyado affected pero tao lang at may mga panahon talaga na malungkot ang buhay dahil hin di mo man lang ma share ang lungkot at saya mo sa buhay, hindi mo man lang mai-kwento sa special someone ang mga nangyari ngayon sa buhay mo, mga frustrations mo, mga plano mo sa buhay. Siguro talagang kapalaran ko na ang maging ganito na lang at may misyon sa pamumundok na lang kagaya ng ginagawa ng mga ermitanyo. Hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang buhay ko, may mga bagay pa rin na kumplikado para sa akin, gusto ko minsan isolated na lang ako, don't trust too much sa ibang tao, nagiging choosy sa mga friends. Ang daming kelangang baguhin sa buhay pero hindi ko alam kung saan magsisimula, kasing gulo ng entry na ito na kung anu na lang ang naiisip ngayon eh iyon ang sinusulat sa blog. Ewan ko, kelangan ba talaga mamatay muna bago masagot ang lahat ng katanungan sa buhay?

0 Reaction(s) :: Magulo