Tambay

Sa loob ng 2 araw eh parang tambay na kami sa office, kaunti lang kasi ang accounts na pumapasok sa system ngayon at sa dami ba naman namin eh ilang oras lang eh ubos na naman, kaya naman tuloy na talaga ang cross train sa ibang accounts para hindi masayang ang time. Ayoko talaga mag undertime lalo na ngayo't ako lang ang nagtra-trabaho sa amin at kelangan ko talaga kumita nang malaki ngayon.

Kanina mula umaga hanggang gabi mula kahapon pa eh browse lang sa Net ang ginagawa ko yung mga safe sites lang, mahirap na, bago pa lang ako dito at hindi ko gagawin iyon talaga, puro Wikipedia lang ako halos nagbabasa ng mga articles, samantalang ang iba naman eh ayun puro kwentuhan lang, ayoko lang makihalubilo dahil nakakahiya talaga at kami na nga ang walang ginagawa, kami pa ang maingay kaya hindi na ako umiimik. Ayoko rin pagusapan ang buhay ko in public, hindi naman ako artista para maging open ang buhay ko, ayoko nang kinukulit ako. Mag-oopen up naman ako sa takdang panahon kung kelan ako kumportable.

0 Reaction(s) :: Tambay