Trigger

Me mga unexpected events na nag trigger talaga kung bakit gusto ko na mag work lalo na sa abroad.. yung pagtawag sa akin nung agency yung isa na dun, hindi naman ako umaasa na this year sila tatawag dahil nga ang alam ko marami pang naka line up bukod sa akin, pero nag follow lang naman sila kung still interested pa rin ako sa work dun sa oil company sa Saudi. Nakausap ko nga kanina yung fren ko dun na andun and almost half a year na siyang andun at sabi niya eh Ok naman raw ang work niya run lalo na't free ang lahat kahit hindi naman ganun kataas ang sahod eh buo mo namang makukuha at walang tax na napupunta naman sa bulsa ng mga kurakot na pulutiko na iyan. Sa simula eh hindi naman ako nag eexpect ng malaking sahod dahil nga eh ito ang first time ko just in case na makapasa at makapag work abroad. Kaya ayaw ko rin apply sa iba kasi wala naman akong kakilala bukod lang dun sa firm na iyon kung san andun na ang friend ko.

Kanina rin eh tumingin kami ng haus sa isang subdivision malapit sa amin, maganda na rin na sa iyo talaga ang nakapangalan ang haus at hindi sa ibang owner kung saan eh gagastos ka pa ng katakot takot para lang mailipat sa pangalan mo ang lupa. Wala pa kaming napipili dahil nga sa yung ibang site eh malayo sa main road palabas sa subdivision at wala pa akong pera pang deposit or reservation para sa lot. Pero me nakita na kaming Ok na lot nina mama at papa kanina, sana nga by the time na sahod time na eh andun pa rin siya. Basta kwento na lang ako sa updates. Kung work lang sana ang isa kong kapatid eh hindi ko na iisipin pa ang ibang gastos like sa kuryente at tubig para yung monthly amortization na lang ng bahay ang iniisip ko, kaso tamad talaga at lahat na lang ng mga online job sites eh apply ko na sa kanya pero ewan ko kung sinasagot ba niya ang mag nagte-text sa kanya.

Yung bagong book na pinahiram sa akin ng bisor ko eh hindi ko pa rin nababasa ngayon medyo nakakatamad dahil malamig ang panahon at masarap matulog. Baka mamaya eh mabasa ko na siya.

2 Reaction(s) :: Trigger

  1. anu namang title ng libro?
    :)

  2. The Lies of Locke Lamora..