Effortless

C,

Natatawa lang ako sa text message mo kaninang umaga. Kaya ba wala akong syota ngayon kasi effortless ang panliligaw ko at hindi mo nararamdaman? Look who's talking. Ako pa kaya lalo, hindi ko maramdaman na minamahal mo ba talaga ako. Kung gugustuhin naman na magkita maraming paraan, kaso puro dahilan ang naririnig ko sa iyo. Kung kailan nakabihis na ako at handa na para sa pagkikita natin saka mo sasabihin na next time na lang. Alam kong busy ka sa choir pero kahit papano man lang sana maramdaman ko ang concern sa part mo, puro demand na lang ang naririnig ko sa iyo. Mahal mo lang ang sarili mo hindi ako. Hindi na ako mag rereply sa text messages mo dahil ayoko maging kagaya mo. Mas makabubuting dito ko na tatapusin ang isang linggong lokohan lang natin sa isat'-isa. Kung nagtagal-tagal pa eh ako na naman ang lalabas na kawawa. Good luck na lang sa mga future suitors mo, sana makatagal sila sa taas ng pride mo at pagiging selfish. Hindi na kita pag-aaksayahan pa ng pagod at "effort" and this entry will be the last thing na mababanggit kita.

2 Reaction(s) :: Effortless

  1. Wow, zhi shu! astig naman ang hirit mo. bakit parang bitter ka, kuya? kasi naman kung san san pa natingin. meron naman na matagal ng naghihintay. hanggang basa na lang ba ako ng blog mo? tsktsktsk...

  2. lol irene tago kpa sa nick na yan. musta si acheng. haha. gusto ko ibang putahe naman.