Tanghali Tots

Nakaka-miss rin minsan yung mga dating mung crush nung high school up to sa college. Kumusta na kaya sila? Iniisip kaya nila ako o wala lang.. Kung pwede lang ibalik ang panahon eh gagawa ako ng paraan para pansinin niya ako para matigil na ang "what-if" na umiikot sa isip ko. Hayz, ewan umaasa na naman ako sa wala. Alam ko namang happy na sila sa buhay nila ngayon at lalong lang hindi maganda pagpumasok pa ako sa buhay nila. Ang cute pa rin niya hanggang ngayon at andito siya sa aking cellphone, tuwing gabi pinagmamasdan ko siya at iniisip anu kaya ang buhay namin ngayon kung magkasama pa rin kami.

Nakaka-miss na ring maglaro ng online games, mga ilang taon na ring hindi ako nakakapaglaro dahil na rin sa financial reason, iba na kasi ang priority ko ngayon at medyo sa huli na ang paglalaro pero gusto ko sana kahit once in a while eh alam mo na bumalik ako sa dati kong nakahiligan na bisyo, kesa naman sa sigarilyo at drugs eh mas Ok na dito sa video games pero dapat lahat eh in moderation. Sana nga eh makabili na ako ng PC or even laptop para may libangan ako kahit sa offline games lang.

2 Reaction(s) :: Tanghali Tots

  1. kras nung highschool at college?medyo mahiyain din me pagdating dun sa ganun..pero ayus na din yun..siguro ganun talaga..

    ang importante...mahalaga..hehe :P

    kidding aside, ang importante eh yung ngayon..tuloy pa rin ang layf..dapat masaya lang lagi..

  2. salamat sa advice sean