Finally.. Photocard is back!

Sa wakas, after a couple of days na akyat baba kakakuha ng sticker para makapasok sa production area, nakuha ko na ulit kahapon lang ang Photo/Access card ko. Last Thursday ko pa ito ni-report at puro follow-up araw-araw then by this Thursday ko lang din nakuha and 1week talaga ang processing. Hindi na ako makiki-usap pa sa mga guard para lang makapasok sa area.

Hayz, ilang araw na ring wala kaming accounts (dahil sa hurricane sa US), VL sana kami this day kaso pinapasok kami (usapan kasi pag walang text messages na natanggap - may pasok). Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan ng mga Sups and Manager namin, pero sa ngayon walang accounts sa folder at baka ngayon palang tingnan ulit kung may ma pull-out sa report. Maglalaro sana ako ng Cabal ngayon kapag walang pasok. Hinahabol ko yung ka-berks ko na maka-level 60 by this 2weeks.

0 Reaction(s) :: Finally.. Photocard is back!