Social Rebirth 2

Kinagabihan ng Sunday, kahit umuulan - nagpagupit ako. Sabi nga ni manong barbero matagal-tagal bago ako nakapag-pagupit ulit (mga 3 months din iyon). Pagdating ng Monday ng umaga (holiday sa US - walang pasok), tuluy-tuloy kasi ang paguulan kagabi that time na supposedly eh may jogging kami with Thomas, Pogs at isasama si Angelo pero hindi naman sila dumating kaya kami na lang ni Angelo ang natuloy. Grabe 3 straight days na kami nag-jogging and hopefully magkaroon ng changes sa aking katawan. Binabalik rin naming mag bike along Wawa area sa may amin and alternate with jogging.

Then mga 9am after magpahinga ng ilang sandali, usapan naman eh maglalaro ng Cabal Online - may promo kasi malapit sa amin yung isang shop, Php 100/9hrs sulit na rin at tipid ng Php35 (considering na 15/hr ang rate ngayon). Sayang nga lang at hindi ko naman alam na temporarily deactivated ang pag-create ng new accounts sa Mercury server (kung saan andun mga ka-berks ko), kaya napilitan kami ni Thomas (mga newbs) na mag-create na lang muna sa new server nila (that is Neptune). Kinapa lang muna namin ang controls, gameplay, quest para next time na Ok na ang Mercury eh madali na. Ok ang archer na job, mabilis magpa-level kahit non-Premium (2x experience). Siyempre hindi ko naman kakaririn itong game na ito. For barkada bonding lang every weekend. Masaya talaga ako ngayon at nagkita-kita kami ulit at bumabalik ang nakaraan. The Good old Gaming habit reborns.

0 Reaction(s) :: Social Rebirth 2