Assuming kasi

Kahapon nag-kita kami ng mga ka-berks ko as usual pero this time DoTA - Hero Siege ulit and apat na kami - and finally, ilang minuto lang natapos namin ang game; kakatuwa lang at parang invulnerable ako dahil halos more than 4k ang defense and 16k ang attack ko. Hindi na ako nakapag-Cabal dahil naasar ako sa isang shop dun na palaging patigil-tigil, nasisira ang combo na ginagawa ko at laging nakabantay sa HP.

Kahapon habang andun ako sa haus ng ka-berks, nangungulit na naman itong friend ko na magkita daw kami, basted kasi at mukhang lasing pa ata. Nakakainis lang at demanding pa talaga kahit alam niyang hindi ako pwede - may pa-suicide pang sinasabi. Bigla ko tuloy naalala ang blog entry ni Yoshke about how to survive from falling in love.

1. Draw the line first. Know where you stand & how far you could go.
2. Never expect. It’s bad for you.
3. Never assume. It’s bad for everyone.

Assuming kasi siya masyado at akala niya Ok na sila nung nililigawan niya- hanggang sa sabihin sa kanya na up to friendship lang ang mabibigay niya. Kung ako kasi hindi na dapat pinag-aaksayahan ng panahon mga taong hindi ka naman gusto. Kasi sila na mismo lalapit pag interesado sila sa iyo, pagod na ako kakahanap kaya kung sino na lang ang dumating sa buhay ko and kung siya na nga eh di Thank You, pag wala ganun pa rin - walang magbabago. Hindi ko naman iniisip ngayon yan, sa ngayon family and friends lang nasa isip ko at ang mahal kong online games na hindi ako iniiwan no matter what.

0 Reaction(s) :: Assuming kasi