Prospect na naman

Kanina - umabot na ng 6am bago pa ako makasabay ng jeep papuntang terminal. Inabutan na ako ng sikat ng araw kakaantay. Ano kaya ang nangyari bakit kaunti lang ang dumaan na jeep sa may amin. Yung usual na kasabay ko sa mga oras na iyon, nag tricycle na lang pero inantay ko na lang - kaming 2 ni Coke guy (i think he works at Coke dahil na rin sa sling bag at shirt niya) ang huling nakasakay.

6.45am na ako nakarating sa MRT kanina, buti naman kesa umabot pa ako ng 7am dun - tiyak matatagalan akong makasakay pag nagkataon. Si prospect crush nakasabay ko na naman kanina - hmm! ganung oras pala siya sumasakay ng MRT; although siguro common lang ang looks niya pero para sa akin malakas ang appeal niya. Napapansin niya rin siguro na nakakasabay niya ako lagi - kaya lang sa Shaw station ang baba niya at sa Ayala naman ako. Sana magkatinginan kami ulit para malaman niyang interesado ako sa kanya. Mas cute siya pag walang glass. As usual - i'll implement the "don't expect and assume" policy once more. Mahirap na - baka umasa lang sa wala. Mabuti nang ganun na lang muna - kasi kung mutual naman eh gagawa rin siya ng paraan. Basta bahala na.

Wala na naman kaming accounts kaya eto nakakapag-blog ako. Sana nga half day na lang kami ngayon. Gusto ko na umuwi at maglaro na lang muna. Stressed out na ako at toxic na sa work. Hehe! Kaka-senti minsan pag-uwi. I need a break. I need a partner. I need a lover. Joke.

0 Reaction(s) :: Prospect na naman