Sermon

credits: Sean Ferguson
Sa iyo,

Tado ka talaga! Tuwing makakakita ka nalang ng cute eh lagi kang "day dreaming" na ano kaya itsura pag naging kayo, tipong ang saya-saya niyong magkasama. Na sana hindi na matapos ang araw na iyon na magkasama kayo - magkayakap, sabay nangangarap kung ano pa kaya pwedeng mangyari sa inyo, hanggang sa pagtanda magkasama pa rin. Hindi naman masama mangarap pero mahirap ding mag expect na may ganung tao na nag-eexist. Tanga mo talaga - tigilan mo na nayang kalokohan mo - wala kang mapapala diyan, frustration lang makukuha mo. Kagabi tinamaan ka na naman sa sinabi ni Marian Dimaandal (Malou de Guzman) sa Kahit Isang Saglit - na kahit malapit ang minamahal mo - parang daang-daang milya pa rin ang agwat niya sa iyo, kahit katabi mo lang siya, hindi mo pa rin maabot, mabuti pang malayo na lang siya para kahit papano makalimutan mo (kelangan makuha ko ang exact quotes na sinabi niya ^^;).

Naawa ako sa iyo - ilang buwan (o taon) ka nang nag-iisa - hindi mo pa rin mahanap ang taong parta sa iyo, ang kukumpleto sa pagkatao mo, ang magpapasaya sa iyo (sa puso lalo na!), ang taong ipaglalaban ka, ang taong handang ibigay ang lahat para sa iyo. Mapili ka kasi eh - gusto mo talaga kahit papano hindi kagaya mong pangit (na may kaunting itsura man lang!) at yung mga binanggit kanina. Sana nga mahanap mo na siya - tuwing nag-iisa ka, nakikita kitang malungkot at napapaiyak na lang nang biglaan. Pinipilit mong maging matapang kahit alam mong hindi mo na kaya. Na marami kang iniisip at problema, pero sa kabila ng lahat - alam mo sa sarili mo na may "pag-asa" pa at kung matiyaga ka lang mag-aantay - darating rin ang taong hinahanap mo. Malay mo makasalubong mo siya sa mga darating na araw. Malapit na ang araw na iyon. Umasa ka!

Sumasaiyo,
Konsensya

0 Reaction(s) :: Sermon