Pagod na

Napapagod na ako, pakiramdam ko wala nang nangyayaring maganda sa buhay ko. Walang nagbabago sa loob ng ilang taon. Malungkot pa rin ako, pagod na sa buhay. Lalo lang akong nawawalan ng loob pag nakikita ko sa Friendster mga pictures ng mga kaibigan at kakilala ko na masaya at pawang kuntento na sa kalagayan nila ngayon. Ewan ko - hanggang kailan ko makakayanan itong mga pagsubok na dumarating sa aking buhay. Para akong dahon na malapit nang matanggal sa sanga ng isang puno - hangang mabulok at magpaalam sa mundo. Kaunti na lang talaga - hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa sarili ko.

5 Reaction(s) :: Pagod na

  1. ey, maybe you just have set your standard of beig happy too high. in my case, i can be happy even just by talking to people around my neighborhood. maybe you also need to go out with friends or travel.

  2. hay, akala mo ba ikaw lang ang ganyan? ako din no

    pero seryoso, idaan mo lang yan sa dasal. mag-isip ka ng ibang paraan para mairaos yang problema mo, wag ka mag-isip kuya ng hindi maganda kasi mas lalo lang din namang lalala ang problema sa kakaisip niya. tandaan mo kuya, hindi habang buhay ka eh ganyan na lang palagi ang sitwasyon sa buhay mo. may katapusan din yan.

    kaya mo yan kuya! wag ka susuko. sabi nga sa desiderata...

    "Be Careful. Strive to be Happy."

  3. ganyan din ako...pero palaging ko lang tinatandaan:

    "You feel the way you think".

    kung susubukan lang natin ibahin ang mindset natin...mas maaappreciate natin ang buhay.

  4. Thats right = ) happiness is our job, we just need someone else too share with. hehehe ... tama nga yan ginagawa mo, try to out and spend time with your friends... masaya kac pinapalibutan ka na mga kaibigan mo. Try to travel some places na hindi mo alam ang place,explore that place. hehehe

  5. salamat sa comments. siguro i need a break talaga pero alanganin baka next year na siguro. ubos na ang mga leaves ko kasi.