Huli na ito

This will be the last time na magpapa-late ako ng pasok ng 8am. Kaasar yang pila sa Ayala-Washington route sa may likod ng Shell. The usual zigzag-octopus thing na naman. Pawis ka na, matagal pa bago makasakay, lahat pinagtitinginan ka pa kahit hindi mo naman sila inaano. Bweset.

Kahapon, walang pasok dahil US holiday pero hindi kami nagkita nina Rene at Angelo, siguro busy. Hinatid ko lang ang mga PS-CD kina Rene pero wala naman siya dun, manghihiram sana ako ng mga anime DVD sa kanya kaso nasa Makati daw at mga gabi pa uuwi. Ito naman si Cyril hindi naman nakuha ang Advent Children sa gf niya kaya wala akong napala sa araw na iyon. Nag Internet nung umaga, gumawa ng resume para sa pinsan, then uwi - punta ulit sa Net cafe bandang hapon dahil mga 2pm pa matatapos ang maintenance.

Usual stuff muna bago maglaro - Friendster, Forums, E-mails etc. Pagpasok sa game, hindi naman makapasok - communication error daw. Lumipat ng station ayos na. Nag-usap nang kaunti kay Aryeh about game stuff then balak kong bumili ng Panda na pet kaso hindi ko alam kung account binding ba ang current pet ko ngayon. Mga 8pm na nakauwi. Wala kapatid ko pumunta sa kaklase niya - akala ko hindi na siya uuwi. Kakapanood ko pa naman ng The Ring kagabi kaya talagang nagpapaantok ako kasi nasa harapan ko lang ang TV at baka bumukas na lang bigla. hehe! Mga 1am na nakatulog nang hindi namamalayan.

0 Reaction(s) :: Huli na ito