Hay buhay

Sensya wala akong matinong post na nilalagay. Wala kasing mahanap na oras para makapagsulat, kahit sa office or sa bahay - lagi na lang akong busy. Sa kakaiisip ng iba - nakakalimutan ko na ang sarili ko. Tingnan itsura ko ngayon - mukha na akong bangkay na baboy.

Hindi na naman ako maka-relate sa mga tao dito sa office. Alam mo na pakiramdam mo na lagi na lang ikaw pinaguusapan or hindi ka sinasali sa usapan nila. Lalo na kanina sa CR pagpasok ko pa lang - yung tipong bigla na lang silang mananahimik after magsalita. Wala naman akong pakialam sa inyo - totoo nga sabi nila na sa office nagtatapos ang relation natin and hindi nawawala pa rin ang backstabbing moment bawat isa. Ako hindi na lang ako nagsasalita para iwas gulo. Makikisakay na lang ako kagaya ng ginagawa ko dati pa. Kahit pa ilang beses tayong mag-team building wala paring nagbabago sa inyo. Mga kalawang at anay.

2 Reaction(s) :: Hay buhay

  1. Nag-dalampasigan moments ka kasi nung team building niyo.

  2. hehe. sori na po.