Teh Moment

Kahapon half-day lang ako para bumili ng mga abubot para sa aming Christmas Party - kung bakit pa kasi may "glam rock" theme. Lol. Mukha ba akong rakista. Kung bakit kasi may ganun pang kaartehan. Mas ok pa kahit formal na lang ang theme. Ang hirap kaya maghanap ng ganun. Wala rin akong pwedeng makausap o konsultahin sa pananamit ng mga ganun. Akalain mo din na nagkita kami ng best friend kong si Angelo sa mall nang hindi sinasadya, kaya ayun sa kanya ako humingi ng payo sa kung anung mga kakailangan kong susuotin. Mga 8pm na kami nakauwi dahil nag bus pa kami amp! Ilang taon na rin akong hindi nakakasakay dun kaya Ok lang kahit medyo abutin ng traffic. Saka me palabas naman sa bus kaya makakapag pahinga kahit papano.

Mamayang gabi na ang big night. Sana manalo sa raffle (sa totoo lang iyon lang habol ko, sayang naman kasi), pero huwag sana aabot ng alanganing oras para makauwi ako nang maaga. Hindi kasi ako sanay na nakikitulog sa ibang bahay. Parang nakakahiya. 2 days na kami nagkakausap ni JS. Can't to wait na magkita kami this Sunday. Like what you've said kaunti na lang ang kagaya natin and we should be together just like we wanted. I still having doubts kung magiging tayo pero hopefully mapapawi iyon bago matapos ang araw na iyon.

2 Reaction(s) :: Teh Moment

  1. hehehe... Ok na rin ang theme na yan kaysa sa theme na maging mga bata ulit.

  2. sabagay. pero sana iba nlang kahit xmas theme. hehe.