Aftermath

Maaga rin ako nakatulog after ng New Year celebration. Kaunti lang naman nagpaputok salamat na lang sa lakas ng ulan sa amin. Pero meron paring matitigas ang ulo at sige pa rin kahit basa na ang lupa. Hindi gaano kadami rin ang nag-text sa akin, ngayong umaga palang nagsisipasukan. Naka 75+ text messsage rin ako kagabi at kahit ibang network pa, sige lang minsan lang naman ito eh.

Tinira ko agad ang mga fruits sa mesa at BBQ dahil alam kong bukas hindi ko na siya maabutan. Hehe! Watch ng TV for the celebration. Kakatamad kasi umuulan talaga at hindi ako makapanood ng fireworks sa labas. Patuloy pa ring masama ang panahon hanggang sa mga susunod na araw.

Ewan ko kung anu mangyayari sa buhay natin pagpasok na naman ng bagong taon. Sa mundo kung saan namumuong bagyong pinansyal sa buong mundo. Kelangan maging handa lang tayo sa kung anumang mangyari ngayong taon. Wag lang mawalan ng pag-asa at patuloy pa ring manalig sa Taas. Amen.

2 Reaction(s) :: Aftermath

  1. amen to that. basta lagi lang tayong magtiwala sa Kanya at wag bibitiw kahit na anong pagsubok.

    anyways, just blog hopping here and droppin by to greet you happy new year.

  2. happy new year din po lawstude. salamat sa madalas na pagbisita sa aking blog.