No more Tears

Maganda ang sikat ng araw nung umalis ako sa amin. Napawi na ang pait ng kabiguan nung nakaraang gabi. Binigyan ko na kasi ng formal closure ang aking relationship with **. Kagabi mula hapon hanggang sa pag-uwi sa bahay. Wala akong tigil sa kaka-iyak dahil na rin sa naipon na sama ng loob at pagtatampo kay **, napapansin ko kasi dumadalang at minsan hindi na siya nag-tetext or kol sa akin. Hindi man lang niya na-appreciate ang mga ginagawa ko sa kanya - even a simple "thank you" wala akong natatanggap sa kanya. Puro sorry na lang dahil ganito, dahil ganyan. Hindi ko alam kung concerned ba siya sa akin kahit pa siguro magkasakit or mamatay pa ako wala siyang pakialam. Alam ko hanggang kaibigan lang turing niya sa akin at hindi na hihigit pa doon. Kung interasado ka naman sa isang tao, gagawa ka rin ng paraan para maging malapit kayo. Kaso wala eh, sa paglipas ng mga araw lalo lang akong nasasaktan dahil binabalewala niya ako. Sinisisi pa niya ako dahil kahit oras na ng pagtulog niya eh naguusap pa kami sa phone.

Pasensya na ganun oras talaga ako nakakauwi sa amin kahit anung madali ang gawin ko. Naiistorbo pa tuloy kita. Alam ko naman na iba ang type mo eh sensya na karaniwang tao lang ako, hindi ako gwapo at maganda ang katawan na siya pa namang tipo mo kaya naman ang bilis bilis mong sumagot dun sa isa mong ex. Hindi mo man lang sinubukan na mahalin ako, hindi ko alam anu pa kailangan kong gawin para mapalapit kalooban mo sa akin. Nasasaktan na ako at ikaw lang nakagawa nito sa akin. Ikaw lang nagpaiyak sa akin nang ilang araw. Kinain ko na ang pride ko, nagpakababa na ako. Wala pa rin sa iyo. Kaya ako na ang aalis sa mundo tutal hindi mo naman ako kailangan. Parang laruan lang ako na kung kailangan mo lang gagamitin. Inuuto ko na nga ang sarili ko sa pag-asang magiging tayo. Naaawa ako sa sarili ko. Bakit ako nahulog sa taong hindi naman ako pinapahalagahan. Pero pangako, iyon ang huling beses na iiyakan kita. Hindi ka worth sa mga luhang ito. Balik normal na ako at haharapin ulit ang umaga na may ngiti sa aking mga labi.

Kakatext lang kanina sa akin ng isa kong kaibigan..

you dont always need a kiss to make you feel special..
don't always need to hold someone's hand to make you feel wanted..
don't always need a hug to make you feel desired..
and you don't always need a partner in order to be happy,
you're already good on your own, having someone is just an added bonus..

And again, sensya senti lang kagabi.. narinig ko lang din kanina..


Kasalanan Ba
Men Oppose

Tulala sa isang tabi at di mapakali
Ating nakaraan minumuni-muni
Di lubos maiisip bakit nagkalayo
Kaya ngayon ako’y isang bigo

Nagkulang ba ako sa iyo
Kaya tayo ngayo’y nagkalayo
Walang nagawang kasalanan
Kundi ang magmahal sa iyo ng lubusan

Ako’y may natutunan sa aking karanasan
Mali ang magmahal agad ng lubusan
Pigilan ang damdamin kung kailangan
Upang ‘di masaktan kung ika’y iiwanan

Kasalanan bang mahalin ka nang lubusan
Upang ako’y iyong iwanan
Bakit kung sino pa ang totohanan
Ay siya pan’g nililisan

2 Reaction(s) :: No more Tears

  1. Maybe I don't know everything in details, but I hope you'll get through that. That, too, shall pass. Kaya 'yan. Someone's better enough for you. :)

  2. ahehe. salamat po. yeah sana nga maging Ok na ang lahat.