Evolve or Die

Sinagad ko na ang aking makakaya kagabi sa production ng function namin. Pero hanggang dun lang talaga ang magagawa ko. Wala akong laban sa mga kasama kong mga halimaw talaga. Mukhang hindi na umuubra ang lumang technique na ginagamit ko. Kailangan magpaturo o tumuklas (pag mataas ang pride) ng bago para makahabol naman ako sa kanila.

Hindi ko alam kung mga ilang bawan, tataas na naman ang goal namin. San pa kaya ako pupulutin nito pag hindi ako nakahabol sa kanila. It's a do or die thing to me. Hindi ko alam ang mentality ng mga kasama ko pero nakakatiyak ako na lahat sila - uhaw sa incentives kaya hindi maiiwasan na pagkatapos ng ilang buwan, mararanasan ko na ang kinakatakutan ko. Bahala na siguro. Kapag wala akong ginawang action, ako ang magiging kawawa. Survival of the fittest na naman sa corporate world. Pag mahina ka ikaw ang talo - either you evolved and get stronger or die na sipain sa work. Napakabangis ng mundong ito.

2 Reaction(s) :: Evolve or Die

  1. sabi nga ng kanta, "Nobody said it was easy..."

    kaya mo yan jin! fight fight!

  2. writer's block ka na naman eben. hindi ka pa nakakapagupdate ah.