Para kay Kira (continued..)

In reaction to this comment..

"Wag ka magalit o mainis kahit na sino parehas lang ang mararamdaman kung indianin ka sa EB nyo! kasi mahirap ang magmukhang tanga! at isa pa ang hirap tanggapin ng rason mo na ala kang natanggap na txt! kung ihahalintulad sa kanta! eh MY WAY yan! diba bagong bago! bago magka world war 2! kung iisipin mo lumang dahilan na yan! mag isip ka naman ng bago! para paniwalaan! para naman kay kira sana maniwala ka na kahit mahirap kombinsihin ang sarili natin para lang sa kapayapaan ng isip ni jinjiruks basta sana wag nya lang uulitin! at pag mukhain ka nyang tanga ulit! o kaya ipagpalit sa ibang bagay!"

Point 1 - Hindi ko ugaling mang-Indian ng ka-EB, hindi ako madalas makipag-EB dahil hindi ako mahilig sa pakikipag-sosyalan. Pero pag kaibigan kong malapit na ang nagyaya. HINDI PWEDENG HINDI AKO MAGREREPLY KUNG SASAMA MAN AKO O HINDI. Yan ang tandaan mo. WALA AKONG NATATANGGAP NA TEXT MESSAGE SA KANYA KAHIT MAGPUNTA PA TAYO SA NTC O SMART PARA I-VERIFY kung may natanggap nga akong text messages o wala.

Point 2 - Hindi ko ginustong mag-mukhang tanga si Kira lalo na't isa siya sa tinuturing kong mentor/adviser hindi lang online kundi sa personal life na rin. Ilang beses kong uulitin na wala akong natatanggap na text message sa kanya within the week prior to the said EB ng guild. Fault ko lang HINDI KO SIYA NA-UPDATE SA NUMBERS KO kaya siguro hindi ko alam ang event na iyon baka kasi Globe ko pa ang nasa phonebook niya and to his side naman alam naman niyang nagrereply ako agad once na mag-text siya as soon na nagka-load na ako or pag nakatanggap ng message mula sa kanya. Hindi ba siya nagtataka kung bakit walang reply nung nag-text siya sa loob ng ilang araw. Hindi ba siya nagtanon sa mga friends/classmates ko about my number or even online na twing weekends naman eh nakakapag YM ako or minsan bumibisita sa Cabal Online.

Point 3 - Lumang dahilan o bago, wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga iyan, dahil hindi mo ako kilala and kung kilala man kita bakit ka nagpa-anonymous at hindi mo binigay ang name mo para ipamukha ko sa iyo na totoo ang sinasabi ko at wala akong mapapala kung magsisinungaling man ako sa inyo. Nung oras na iyon na may nag-text sa akin na hahabol ba daw ako, dun ko lang nalaman na may EB pala ang guild and yung taong iyon na dapat sana nag-update kay Kira ng number ko eh hindi man lang nagsalita. Naka-save pala ang number ko sa kanya, hindi niya kinausap si Kira na Smart ang gamit ko.

Point 4 - This is far I can go sa pagpapaliwanag ng side ko. It's A MISCOMMUNICATION ON BOTH PARTIES. As much as possible ayoko magkaroon ng kagalit lalo na't maiksi lang ang buhay natin sa mundo. Nalulungkot ako nang dahil dito eh naputol ang pakikipag-kaibigan ko na tumagal na ng mahigit 5 taon dahil lang sa ganyang dahilan. Nasasa-iyo na lang Kira kung kakausapin mo ako para ayusin ang gusot na ito. I've done my part and siguro it's time to hear your side about this matter. Hindi na dapat lumaki ang issue na ito pero dahil walang communication lalo lang nagkalamat hanggang sa tuluyan na ngang napatid ang ugnayan natin. Umaasa akong mabibigyan ng liwanag iyang pag-iisip mo at handang makipag-usap sa akin.

0 Reaction(s) :: Para kay Kira (continued..)