Para kay Kira

Kira,

Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang ang galit mo sa akin at kahapon ng umaga nag-message ka na lang na your this close to end our ties. Kung yung hindi ko pagsagot at pagpunta sa EB niyo ang dahilan, paulit-ulit kong sasabihin sa iyo na wala akong natatanggap na text message sa iyo buong linggo bago pa ang nangyaring event na iyon. Hindi ko alam kung sa tamang number ka ba nag-text kaya hindi ko natatanggap.

Unfair naman sa akin kung bakit kailangan pati pagkakaibigan natin eh humantong sa ganun. Mahirap yung ganyang hindi tayo nagkakausap nang personal at puro text or online chat lang tayo nagkikita. Alam ko binabasa mo ang blog ko once in a while. Sana lang bigyan mo ako ng pagkakataon na masabi sa iyo ang side ko at ipaliwanag mo kung bakit ka nagkakaganyan. Sana hindi ito ang huli nating paguusap. Sa tagal ng pagkakaibigan natin, mag-aaway lang sa kababaw na dahilan.

Umaasa sa iyong sagot,
Jinjiruks

5 Reaction(s) :: Para kay Kira

  1. jinjiruks;

    wag ka magalit o mainis kahit na sino parehas lang ang mararamdaman kung indianin ka sa EB nyo! kasi mahirap ang magmukhang tanga! at isa pa ang hirap tanggapin ng rason mo na ala kang natanggap na txt! kung ihahalintulad sa kanta! eh MY WAY yan! diba bagong bago! bago magka world war 2! kung iisipin mo lumang dahilan na yan! mag isip ka naman ng bago! para paniwalaan! para naman kay kira sana maniwala ka na kahit mahirap kombinsihin ang sarili natin para lang sa kapayapaan ng isip ni jinjiruks basta sana wag nya lang uulitin! at pag mukhain ka nyang tanga ulit! o kaya ipagpalit sa ibang bagay!

  2. huwaw.
    isa lang masasabi ko kapag may katwiran, ipaglaban mo!

  3. hwaaaah lq ba to? mamaya gabi earth hour hah?

  4. oo nga hehehe, lq nga ba to? hehehe... magkakabati rin kayo...

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

  5. @anon (na sana magpakilala)
    hindi ako nang-iimbento ng kwento ok, pagmukhaing-tanga? hindi ako ganung tao. hindi mo pa ako lubos na kilala para sabihin mo yan. ako na mismo nagyaya ng EB pero wala akong natatanggap na text message sa kanya. sasabihin ko kung hindi ako pwede hindi yung hindi ako basta-basta magrereply.

    @ewik
    no comment, masasabi ko lang na pareho kaming may kasalanan sa bagay na ito

    @enhenyero
    pati friendship namin tuluyan nang naging Earth Hour

    @Fjordz
    sana nga, nalulungkot ako