Paalam Mukamo..

Dumadaan ako sa forum pero ngayon ko lang nabasa ito sa announcement section ng forums. Nakakalungkot man lahat ng simula eh meron ding wakas. Sa loob ng mahigit apat na taon naging tambay ako sa forum na ito. Marami akong nakilalang mga forumers lalo na sa Anime/Videogame section nito. Nagkita sa EB yung iba. Plano pa sanang makilala pa ang iba. Pero nagsalita na ang administrator. Ayoko na! Hindi ko alam kung ano ang reason niya pero iiwanan ko na lang iyon sa kanya. Salamat sa alaala at masasayang sandali. Farewell and goodluck to Mukamo Forumers. Hindi pa naman ito ang huli nating pagkikita. Lilipat naman tayo sa isa pang tahanan. See you at Epaloids!!

2 Reaction(s) :: Paalam Mukamo..

  1. Matagal nang hindi ako kasali sa kahit na anong forums. Ewan ko. Nawala na yung attraction ko sa mga ganyan.

  2. Ako kasi hindi naman ganun kadalas unlike before na todo spamming pa ako. Tamang post na lang sa mga may sense na topic kada weekend na lang ang ginagawa ko.