Clip: Pagsibol - Himig Heswita

sa tuwing depressed ako lagi kong naaalala ang kantang ito sa doxology part ng graduation namin nung high school, gumagaan ang pakiramdam ko, enlightens my soul - fulfillnes of Life. salamat nga pala kay Jim Lopez for the lyrics ^^;



Pagsibol
Himig Heswita - Jesuit Music Ministry

Bawat huni ng ibon sa pagihip ng amihan
wangis mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan
init mo'y pangarap kong hagkan

Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
puso'y dalisay kailanpaman
ipahintulot mong ako'y mapahandusay
sa sumasaibayong kaginhawahan

Nangungulilang malay binulungan ng tinig mo
nagdulot ng katiwasayan
paghahanap katwiran nilusaw mo sa simbuyong
karilagan ng pagmamahal

Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
puso'y dalisay kailanpaman
ipahintulot mong ako'y mapahandusay
sa sumasaibayong kaginhawahan

dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang

5 Reaction(s) :: Clip: Pagsibol - Himig Heswita

  1. baka naman po meron po kayong mp3 format copy ng song na ito.. kelangan lang po kasi sa church activity namin

  2. ay sensya npo. wala po eh.

  3. a very inspiring song..saan po tayo puede mkapagdownload ng song na 'to?

  4. sa mga peer to peer sites po.

  5. gusto ko talaga ang song na ito.. kinakanta ko tuwing nalulungkot ako o walang magawa... una kong narinig noong kasali ako sa choir...nakaka-inspire talaga.