Blog Goodbyes

Sir Mugen, nagulat ako at iyon na lang ang last entry mo sa iyong blog. Hindi ko alam kung disabled na rin ang comment section. Nakakarelate ako sa nararamdaman mo. Ang pag-agos ng iyong luha at kalungkutan sa iyong puso habang sinusulat mo ang huling entry na ito. Hindi ka naman namin pwedeng pigilan dahil desisyon mo iyan at iyon ang inaakala mong makapagbibigay sa iyo ng kapanatagan. Sana'y mahanap mo nawa ang bagay na makakapagpasaya sa iyo muli. Alam ko marami kang tagahanga at hindi mo ako kilala personally pero isa ka sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Naiinis lang ako sa inyo ni Kuya Dark Knight kung paano niyo tinatapos ang inyong blog. Kung saan nagsimula dun rin matatapos ang lahat. Pero alam ko namang babalik rin kayo pag nasagot niyo na ang mga katanungan sa inyong sarili. Once a blogger will always be a blogger.


Mugen

Dark Knight

3 Reaction(s) :: Blog Goodbyes

  1. He said goodbye before, but didn't go. Let's just hope he won't again this time around.

  2. babalik un! lagi naman bumabalik un

    once a blogger always a blogger!

  3. @zwei/cj

    alam ko naman iyon eh. sobrang dramatic ni kuya joms. sana nga maging Ok na si mugen. para makapagblog na ulit si kuya.