Hirap Matulog

Kakainis panahon ngayon ah. Sobrang init. Advice kasi sa akin ni Sir Sims na para hindi ako antukin sa gabi eh. Huwag muna ako matulog agad and around noontime daw ako matulog para mga hapon eh gising na ako and ready to go na sa gabi. Kaso nga sobrang init pag tanghali lalo na't umaabot na sa 35-36 degrees ang init ng katanghalian. Kahit nakatutok na sa akin ang electric fan at nasa maximum na siya. Hindi pa rin ako makatulog. Bukod pa sa ingay ng TV. Kaya minsan naliligo muna ako ulit bago matulog para kahit papano maibsan ang init at pawis na nararanasan ko. Ayun kahit papano naman at around 1pm nakakatulog na ako at magigising ng 5pm. 4-hour sleep everyday. Grabe na ito. Sana nga tanghali na lang nag-uulan hindi ganitong mag-gagabi na kung san eh papasok na ako.

0 Reaction(s) :: Hirap Matulog