Maagang Kabwisitan

Kanina pagsakay sa jeep papuntang MRT. Ok na sana eh, na solo akong uupo sa harapan na katabi ng driver nang sumingit itong matandang ito; samantalang sobrang luwag naman ang upuan sa likod. Ayoko pa naman na may katabi sa unahan lalo na't ang init-init ng panahon tapos tatabi ka pang matanda ka. Ako may respeto ako sa matatanda pero sa mga ganyang kaso lalo na't pinapaiksi niya ang aking pasensya. Pawisan ako habang binabagtas ang ruta papunta sa MRT habang itong katabi ko pa-presko lang. Imbes na hindi ako pawisan na nagpupunta sa MRT, pati polo ko basa sanhi na lang ng init na rin ng ulo ko. Alam ko hindi big deal sa iba iyon pero sa akin malaki eh. Medyo nag-cool down na rin ako papuntang office at kakalimutan na ang eksenang iyon.

2 Reaction(s) :: Maagang Kabwisitan

  1. aw! auko talaga ng me katabi sa unahan if dun ako naupo pwera na lang kung chicks yun :)

  2. ang laki-laki pa niya at hindi man lang ako makasagap ng hangin.