Walang Pahinga at Pagbabasa

Grabe ang mga weekends na nagdaan ah. Hindi ako nakakapaglagi sa bahay. Puro alis nitong nakaraang Sabado at Lingo. Sabi nga ni Mama diyan nagmana sa iyo ang kapatid mo, hindi pumipirme sa bahay. Eh wala naman akong gagawin sa bahay talaga kundi tumunganga lang. Hihiram na lang nga ng DVD ako pa rin ba. Gusto niyo manood manghiram o bumili kayo. Hindi na nga ako nakakapunta dun sa peborit kong Net Cafe katabi ng Dating Daan. Musta na kaya sila. Sabagay hindi na naman ako nakakapaglaro ngayon at usually 2-3 hours of surfing - uwi na ako pagkatapos or dalaw sa ibang ka-berks.

Last Saturday and Sunday. Salamat sa mga nanlibre sa akin (dahil hindi ko pa sahod *sniff*). Babawi na lang po ako pag nakaluwag-luwag. Hehe. Hindi ko na elaborate kasi baka hindi na maulit pag nagkwento pa ako.

Pag nasa bahay - yung mga pending book reads ko binabasa ko nang paunti-unti. Ang tagal na rin kasi ng mga books na pinahiram ni Zander sa akin at manghihiram pa ako pag natapos ko na.

Currently Reading:
Books
Babylon Rising - Tim Lahaye (done)
Deception Point - Dan Brown (ongoing)
Neanderthal - John Darton (pending)
ESP, Hauntings and Poltergeists: A Parapsychologist's Handbook - Lloyd Auerbach (pending)

Magazine
Philippine Internet Review: 10 years of Internet in the Philippines (1994-2004) - ongoing

2 Reaction(s) :: Walang Pahinga at Pagbabasa

  1. ahem! hihi! ^_^

  2. clearing the throat louie..