Amazing Rants

Late na naman ako umalis sa bahay. Amp kasing Hotshots yan, huling linggo na kasi. Wahehe! Mga 6.15pm na ako nakaalis sa bahay which is danger zone na sa aking travel time.

Pagsakay sa 1st route ko, katabi ko pa mga makukulit na bata na naghaharutan at pinapahid pa ang pawis sa damit ko. Peste sila, sinaway ko nga lalo na't nagmamadali ako, ayoko ng magulong mga bata.

2nd route, pasaway pa itong jeep na ito. Bawat kanto na lang eh tumitigil at nakikipag-away pa sa kapwa driver dahil pareho lang silang kaskasero.

Double steps na ginagawa ko sa pag-akyat/baba sa footbridge. almost 8pm na kasi at nasa MRT pa rin ako. Hindi na ako namili san ang maluwag na section dahil male-late pa ako pag ginawa ko pa iyon.

Dahil na nga sa kilos protesta laban sa Con-Ass na yan, napilitan mga tao na maglakad sa Ayala dahil nakasarado ito sa daloy trapiko. Buti sana kung may time pa eh. Pwede maglakad ako sa buwan nang kaunting pawis lang. Kaso almost 8.30pm na at double-time na ang paglalakad ko at almost jogging na sa kahabaan ng Ayala.

Nakarating sa office 10minutes before time. Whew, grabe ang araw na ito. Pawisan na naman ako at ilang calories na naman ang nabawas sa aking taba.

Kung bakit kasi mahilig kayo mag-protesta dyan sa Ayala, dun na lang kayo sa Mendiola at sirain niyo ang Malacanang mga hayop! Sang-ayon ako sa posisyon niyo na labanan ang anumang attempt sa pagpapalit ng Constitution bago mag 2010 election pero isipin nyo rin na marami kayong naaabalang mga tao lalo na't high density area pa ang lagi niyong pinagdarausan ng welga. Ewan!

3 Reaction(s) :: Amazing Rants

  1. tsk tsk tsk p[ag nagkataon pala mabbwisit ka saken... hindi ako bata, pero nuknukan ako ng gulo at kulit hahahahahapero hindi namna ako namamahid ng pawis.. ahihihihi

    marami ding ganyan dito sa cavite.. meron din naman na lahat hinihintuan.. swapang sa pasahero.. kahit nakatayo lang hihintuan na nya..

    at ang rally.. wala akong masabi.. di ko pa naexperience maipit sa traffic dahil jan eh... isa sa mga perks ng wala sa metro manila..

  2. amazing nga! ang saya sa blogspot ngayon!....

    offT: di raw makakasama si yas. me pasok siya. bilhan na lang daw natin dogtag. kitakits tayo tiendesitas after sa AKomismo event.

  3. @yanah
    hehe. hindi kasi normal na bata mga iyon. mga palaboy na mga bata. nakikisakay. nakakainis lang kasi dun pa sila naghaharutan.

    @bampira
    honga eh. daming issues. buti na lang at taga-lupa lang tayo at walang alam sa mga pangyayari.

    @offT
    hay naku. ewan ko sa inyo. so pano iyon hindi nba tuloy sa g4? bakit sa tiendesitas. message mo ako sa email. alam mo naman dba. send ako sa iyo. reply kana lang.