Bulol na naman

Tuwing nagkaka-tonsilitis ako, pati pagsasalita ko naapektuhan. Yung tipong bulol na talaga ako magsalita na maski sa bahay ginagaya na bawat sabihin ko. Maski pusa ata namin pakiramdam ko ginagaya ako. Hehe! Bukod sa mahirap magsalita, hindi ko pa maibuka nang malaki ang aking bibig lalo na sa pagkain. Nakakainis yung tipong mawawalan ka ng gana kumain dahil masakit ibuka ang mouth.

Hindi naman ako naninisi kung bakit eto na naman ang sakit ko. Kasalanan ko naman dahil laging kulang ako sa tulog. Minsan natutukso ako kumain ng matamis pero hindi kadalas, mga isang beses sa isang linggo lang. Baka sa weekend ko pa mapapatingin sa specialist ito ulit. Hanggat maari sana huwag umabot sa tonsilectomy. Pinipili ko pa ring kayanin kahit masakit na naman lalamunan ko.

0 Reaction(s) :: Bulol na naman