Hi C

Habang balik-tanaw sa aking blogpost archives napadaan ako bandang July 2008, kung saan me na-meet ako na malapit lang sa area namin. Sa simula Ok pero habang dumadaan ang mga araw mukhang lumalabo na kami. Aminado naman akong bitter ako sa breakup namin at ako rin ang may kasalanan dahil nagpabaya ako at hindi ko siya inintindi. Na umabot sa isa, dalawa at tatlong bitter blog entries tungkol sa kanya.

Wala na akong contact sa kanya at kahit 2 blocks lang ang pagitan niya sa amin eh ayoko na rin na pursigihin na kausapin at kumustahin siya at makipag-usap sa posibleng pakikipag-balikan. Huling kong balita sa kanya meron na daw siyang syota pero ewan ko kung hanggang ngayon sila pa rin. Gusto kong magsimula ulit kung makikita ko man siya. Pero hindi naman ako umaasa. Ewan. Naguguluhan na naman ako.

0 Reaction(s) :: Hi C