Ngayon lang ulit

  • Ako lumusong sa tubig-baha este tubig-kanal pala. Buti sana kung malinis at pawang mga putik-putik lang eh. Ok lang sa akin. Pero kagaya ng sinasabi ko dati pa. Pagsamahin mo ang dumi ng aso, pusa, daga at mga basura. Saan ka pa. 4 houses lang naman ang haba ng baha kaya alangin sumakay sa tricycle kaya naman lumusong na rin ako habang nagmumura sa engineer na gumawa ng subdivision na ito.

  • Ako nagkaroon ng bandage sa mukha. Paano ba naman kasi hindi ko naman pinapakialaman ang pimples sa bandang gitna ng noo ko malapit sa mata, bigla ba namang pumutok nung naliligo ako. Kaya ayun ung inflammation andun pa rin. Kaya eto, attention-getter lalo na sa pagpasok ko kanina. Effective siya ah. Lahat ng tao pinapansin ako. Akala tuloy nakipagbuno na naman ako sa kalye namin.

0 Reaction(s) :: Ngayon lang ulit