Room 193

Kagabi hindi ako dinalaw ng antok mula nang magising bandang alas-2 ng madaling araw. Kahit anung pilit kong ipikit ang aking mga mata ay bigo pa rin ako. Hanggang sa dinampot ko ang aking cellphone sa may cabinet at nagsimulang mag-login sa Uzzap. Sa simula medyo inaatok habang patalon-talon sa mga categories hanggang sa Flirt section dumaan at palipat-lipat ng room.

Hanggang sa napadpad ako sa Room 193, parang mga clan pala itong mga room na ito. Parang teritoryo na inookupahan ng bawat grupo ng tao. 20 tao lang kada room ang nakakapasok kaya pahirapan minsan. Sa simula pakilala muna then sasali sa usapan. Masaya dahil welcome agad ako sa mga chatter sa room na iyon. May quiz mode pa siya na paunahan ng sagot. Of course hindi nawawala ang trade pics pero wala akong sapat na credits para dito. Umabot hanggang ika-6 ng umaga nang ako'y tumigil dahil na rin sa malapit na ako ma-empty batt.

Sa maiksing panahon lang, marami na namang dumagdag sa aking listahan ng mga kaibigan online. Sana mas makilala ko pa ang ibang member ng Room 193.

3 Reaction(s) :: Room 193

  1. adikk sa uzzap waaaaaa, anu may nakarir knb dun?? puros ata mga chicksilog dun, yah clan2 nga....

  2. . ano meron sa room 193? haha

  3. dan pareho din ng nasa dorm 193. hehe!