SeatMate

Malapit na naman ang uwian. Pagdating ng bandang ika-7 ng umaga sa may terminal ng Litex-Montalban, makakasabay ko na naman sila. Ang mga seatmate ko pauwi sa amin.

Si Text/Call Boy - palaging naka-cap, green shoes, green jacket (pero minsan black). Hindi nawawala ang tabloid na TikTik sa kanya. Mukhang me sinusundang istorya. Walang ginawa kundi mag-text at tumawag sa kanyang girlfriend (na nasa cellphone lace yung pic nilang dalawa). Walang pakialam kung sino katabi basta siya busy sa ginagawa niya. This week nga lang, palagi ko siyang nakakasabay at siguro nasanay na rin siya sa pagmumukha ko.

Si Misis Pulis - minsan pag napaaga ako ng sakay, nakakasabay ko siya. Taga-Bulacan daw siya sabi ng ibang mga pasaherong tsismoso. Na-destino lang sa amin, hindi ko nga alam kung bakit eh - medyo malayo na kasi siya at ilang sakayan pa siya. Pero kung libre naman diba Ok lang (Badge Honored pa rin pala). Siya pa ang numero unong lumalabag sa batas. Bawal bumaba kasi sa may tapat ng police station pero siya mismo ang nagsasabi "Ako ang bahala sa iyo." Hay buhay. Iba na talaga panahon ngayon.

Si Boy NCO - this week ko lang siya nakakasabay. Masasabi kong trainee palang siya dahil sa kapal ng manuals at handbook na dala niya. At nakita ko rin sa kanyang ID na taga NCo diyan lang sa may ELJ Bldg.

Mga Green Boys - mga trabahador sa Wilcon Depot na may planta sa aming bayan. Wala naman ibang kulay ng damit mga yan. Kaya pag sabay-sabay sumakay ang mga yan, magkakatabi pa. Nakakatawa tuloy silang tingnan at baka sumabog sila pag nagtabi-tabi silang lahat.

Tindero ng isda - minsan ko na lang nakakasabay sa jeep ang mag-asawang ito. Hanggat maari iniiwasan ko sila kasi pag andyan sila, tiyak puro container ng mga isda at iba pang seafood ang dala-dala nila na nakaharang na sa gitna ng jeep. Malas mo lang pag nasa dulo ka at lalabas ka kasi magpapatintero ka sa mga paa ng ibang pasahero sa sikip.

8 Reaction(s) :: SeatMate

  1. kelangan mo ng ginagawa pag nasa jeep ka.. boredom lang yan... hehehe

  2. idlip kaya ako pag nasa jeep!

  3. ahehe.. thats one thing na gusto ko sa jeep. iba't ibang tao kasi nakakasabay mo and i like looking at people (without them noticing of course).

  4. hehe. pareho tayo minsan eye-spy!

  5. may post na kong parang ganito, lahat ng nakakasakay mo parang may kwentong shine-share sayu! hehe!!
    Ayus!.. :D

  6. fun fun fun! mumukhaan ko na nga din mga nakakasabay ko sa daan. apir!

  7. kalokah mga obzervationz mo!

  8. ganun. wala lang. pag wala kang magawa sa buhay talaga mapapansin mo ang ibang tao. hehe!