Best Night I've Ever Had

forget about July 1, and hello July 11..

Last night was one of the best night I've ever had. For the first time in my life, naramdaman ko ang real happiness and caring mula sa isang special someone. Although kagabi lang kami nagkakilala, parang matagal ko na siyang kakilala at napaka-gaan ng loob ko sa kanya.

Hindi ko akalain na ganito lalalim ang pagmamahal ko sa kanya, i dunno if this is just infatuation pero to be honest, nararamdaman ko ang honesty at affection niya towards me. Nung mga oras na iyon, parang tumigil ang mundo para sa amin. Ilang minuto rin ang aming halikan at yakapan na walang halong sekswal na motibo. Just being plainly romantic.

Ang saya-saya ng pakiramdam ko kagabi, pakiramdam ko nahanap ko na ang taong pupuno sa aking pagkatao. Alam ko masyado pang maaga para mag-expect sa iyo nang malaki, pero ngayon palang sobra mo akong napasaya. Basta tatandaan mo minahal at mamahalin kita sa iyong pagkatao at hindi sa ibang kadahilanan. Umaasa akong magiging makulay, masaya at lalo pang lumalalim ang ating ugnayan.

Walang mapaglagyan ang kasiyahang aking nadarama. Sana ikaw na ang kasagutan sa aking dasal.

2 Reaction(s) :: Best Night I've Ever Had

  1. friend, happy ako para sa'yo. :)

  2. thank kuya aris. hayz auko muna mag invest masyado, basta wait and see mode muna ako dito. pero ewan ko. iba siya aris eh!