Masakit pa rin

Kheed nung kaninang nag-uusap tayo sa may SM. Tinatanong mo kung Ok na ba ako. Sa totoo lang, pinipilit ko lang maging Ok ngayon. Pinipilit ko lang maging matapang. Deep inside nasasaktan pa rin ako at nasasayangan sa mga pangyayari nitong nakaraan Linggo. Ang hindi ko inaasahang pagbaril sa akin sa gitna ng giyera. Pag-gising ko na lang bigla na lang bumulaga sa akin ang isang bangungot na pilit kong iniiwasang isipin.

Marami akong pangarap sa relasyon namin. Iniisip ko sa sarili ko, this is it. Finally, nahanap ko na siya. Pero false hope lang pala. Ang bait-bait niya sa akin at nararamdaman ko ang sincerity niya. Nakakasama nga lang ng loob masyado siyang mahina at patuloy siyang nabubuhay sa nakaraan. Naiinis ako sa sarili ko bakit pumasok ako sa ganitong setup na wala naman akong panalo. Naiinis ako dahil hindi man lang ako binigyan ng tsansa ipakita ang pagmamahal ko sa kanya.

2 Reaction(s) :: Masakit pa rin

  1. ayun naman ang sinasabi ko sayo.. pinipilit kitang sabihin mong nasasaktan ka pa din pero u still pretending na okay ka, mas mahirap kaya yun.. pero tama na yan, tigilan mo na nga sya, wala ka ng magagawa dun, mahina nga sya diba?

  2. hehe. eh ganun talaga eh. bigyan mo man ako ng panahon para makapag isip. nasa limbo pa ako ngayon!