Oh Ti

2nd na ng Post-shift OT ko. Kariran na ito. Kahapon umabot ako ng 10am dito sa office. Haggard na ako masyado. Baka hindi ko na kayanin pag extend pa ako ng tanghali. Baka mamaya mag collapse na lang ako sa labas. Na-miss ko ang pag-uwi ng ganitong oras sa Makati.

Yung rutang Enterprise - Greenbelt - Landmark - MRT. Syempre hindi ko rin pinalagpas ang kwek-kwek. Ilang buwan rin ako hindi nakakain nun. Dati-rati kasabay ko si Rain (officemate) kumain bago umuwi. 16 balls binibili namin at tig-walo kami. Ewan ko ba kung bakit Green day kahapon. Mula MRT to Terminal sa amin, mga nakakatabi ko naka-green.

Nakaka-miss mga dati kong kasama sa dayshift. Nung inabot ko ang sched nila, kinausap ko sila at kaunting kumustahan. Magkikita pa naman kami eh sa paglipat namin by September at ang Cebu trip namin this October. Excited na ako.

O siya, work muna. Puyatan na naman ito. Hindi naman ako pumapayat. Asar!

2 Reaction(s) :: Oh Ti

  1. Uy, ang sipag. Magpahinga naman kapag kailangan. Tandaan, sa panahon ngayon, bawal magkasakit! :)

  2. ok lang iyon kuya aris. wala naman kong pinaglalaanan ngayon. kahit naman mamatay ako alang pakialam ang iba.