Pangako

Kinahapunan ng Lunes. Anung bago. Umuulan pa rin. Kung kelan mo gusto umulan saka naman aaraw. At dahil patuloy pa rin sa pag-ulan, natuloy ang Plan B (na pumunta sa gym). Dahil na rin sa pambubuyo sa amin ni Kenneth na mag work-out para mabawasan ang mga taba namin sa katawan. Napag-planuhan na magkikita sa may Mercury Drug sa bayan. Nauna kong nakita si Angelo, tapos pinuntahan nalang namin si Kenneth sa may Premier Bank, siyempre andun kasi ang nililigawan nito na elementary crush pa niya. Sana nga mag-click silang dalawa.

Sumakay sa motor ni Ken, akala ko pa naman malayo - eh pwede namang lakarin. Nasa 3rd floor ang gym, Ok naman siya, kaya lang naalangan ako na sa computer shop pa ang daan niya. Na-miss ko tuloy ang Cabal Online. Nadatnan lang namin dun eh yung isang babae na nasa thread mill. Wala ang may-ari at sa hapon pa daw dumarating. Tanghali nagpupunta si Ken kasi walang tao at solo niya ang area kaya malaya niya piliin ang anumang equiptment na nais niya para sa workout niya. Habang wala ang trainer and since gamay na naman ni Ken ang routine, siya na muna ang nag introduce sa amin ng mga usual stuffs.

Warm-up sandali, then nag cardio nang sandali, 10minutes palang - grabe na ang pawis namin ni Angelo. Halatang walang ginagawa sa bahay. Hehe! Hindi ko kabisado ang mga pangalan ng mga equiptments na pinasubukan sa amin ni Ken pero nakakapagod siya at ramdam ko ang muscle group na madedevelop just in case nagtuloy-tuloy ako dito. Then sparring session naman sa boxing trip nina Angelo at Ken, cooldown na ako picture mode nalang gamit cellphone ni Angelo.

Buti naabutan namin ang may-ari ng gym. Pinakilala kami ni Ken at ayun baka next week na ang start namin ni Angelo. Iyan ang pangako namin kay Kenneth bago siya umalis ng bansa. Ang maging kagaya ng katawan niya pagbalik niya rito 2 taon mula ngayon. Mahirap kung iisipin pero wala namang madaling paraan na hindi makakasama sa katawan. Ika nga "No Pain, No Gain". Good luck na lang sa amin ni Angelo.

2 Reaction(s) :: Pangako

  1. good luck sa pagdyi-gym. naku, baka kapag hunk ka na, di mo na ako pansinin hehe! :)

  2. may ganun, kaw nga dyan. hindi nagpaparamdam madalas