Si Mang Jack at Potpot

Tuwing umaga bago umuwi sa amin, dumadaan muna ako sa computer shop nina Mang Jack, pero si Mang Potpot ang nagbabantay palagi. Mga 7am bukas na sila kaya dun ako pumupunta para mag MafiaWars (Facebook, adik talaga!).

Kakaiba lang sa kanila kasi, me isang chatroom silang pinupuntahan kung saan pinagmumura nila ang mga chatters. Nung unang rinig ko sa pagmumurahan na iyon, siyempre nagulat ako kasi hindi ko naman inaasahan na ganun pala sila. Humingi naman sila ng paumanhin sa akin. Hindi ko na inusisa kung saang website may ganyan.

Nasisira lang ulo ko kina Mang Jack sa tuloy-tuloy na pagmumura at panlalait nila sa ibang chatter. Pero mukhang masokista rin at trip lang din ng mga tao na ganunin sila kaya wala namang nagrereklamo. Maski asawa ni Jack sumasali na rin, madalas puro P***** I** M* ang naririnig ko sa kanila at iba pang mga maseselan na salita na hindi ko na babangitin pa.

Minsan talaga magugulat ka na lang sa ibang pag-uugali ng mga tao sa paligid mo.

4 Reaction(s) :: Si Mang Jack at Potpot

  1. hehehe PI

  2. hehe. mas malutong pa dyan!

  3. sa pinoy exchange nga me minura ako eh hehe ambabaw kasi ng utak haha

  4. hehe. kahit saan naman ata may ganun!