Wake

Saturday. Tulog buong umaga. Dalawa ang pending schedule ko that time. Ang samahan si Abundio sa gym at sina Donna/Lani naman sa burol ng mother ni Kenneth. Pasensya na Abundio at hindi kita nasamahan kaya babawi nalang ako pag may free sched. Past 6pm nang magkita kami sa tapat ng tricycle terminal sa Eastwood (subdivision). Baliktad nga ang setup sa subdivision na iyon. Kung san ang Phase 1 eh dun ba ang dulo. Tiba-tiba naman itong driver na ito dahil nga sa kahit taga-dun ako hindi ko naman alam magkano fare since naglalakad lang naman ako dun usually.

Pagdating namin sa lugar. Wala masyado tao. Pero inaasahan pala kami ni Kenneth na pumunta. Hinarap kami ng sister niyang si Kate, then ang father niya. Kaunting kwento lang sa kung ano ang nangyari kay tita Arlene. Kung ano ang condition niya bago pa nangyari iyon, mga pahiwatig niya, mga happy moments, nung inatake na siya sa puso hanggang sa kalagayan nilang pamilya and how they are coping sa tragedy. After a couple of hours, umuwi na rin kami. Sa pag-alis pala namin saka dumating si Angelo at nag-overnight.

Sunday. X-Files marathon, hindi ko na kasi nagagalaw at para matapos na rin ang Season 3. Uzzap mode. May bonding na rin kami ng grupo since nung GEB namin at nung session nila last Friday night kasama si hubby. Supposedly mag-gym sana kami ni Angelo at Mike kaso hindi nag-text ang dalawa. Tinamaan siguro ng katamaran. Nag-decide nalang kami ni Angelo na dumalaw ulit sa burol. Entertain lang namin ang bunsong kapatid ni Kenneth thru Scrabble. Mga bandang 11pm umuwi na rin kami. Ayoko mangako sa Tuesday about sa cremation dahil nga hindi ko alam what time ako makakauwi nun.

0 Reaction(s) :: Wake